BrainXtension

Everything will be ok in the end...if it isn't then definitely, its not yet the freaking end! ^_^

Thursday, May 11, 2006

dyoktaym

jokes make us laugh or smile even if they are the corniest ones in the world... so here are some that made me giggle tonight (oo na! corny na ako! pero get? ang cute e! hehe) remeber those kiddie days? "esmyuskee esmyuskee... 4:30 na! ang TV na! nye!" o! magdedeny pa yan.. kunwari di nya alam yun! pero nanunuod naman sha dati nun! hehehe

dyok #1:
MR: di ko na kaya problema ko!
MRS: hon, problema natin... dalawa tayong magkasama sa buhay kaya lahat ng problema mo, problema ko... ano bang problema natin?
MR: nabuntis NATIN si Inday. TAYO ang ama.
--> sabi ko nga.. pag problema mo, problema mo lang! argh!

dyok #2:
nalubog ang barko, patay lahat ng tao sa trahedya at isang kuba lang ang naligtas
KUBA: halika pating, kainin mo na ako please. wala ng silbi ang buhay ko!
PATING: wag mo akong linlangin!!! TURTLE ka!
--> ay... nagalit pa tuloy si pating! hinayblood kay kuba! kawawang kuba! napagkamalang turtle!

dyok #3:
TATAY: nakakahiya!!!!!
ANAK: bakit po?
TATAY: kasi sabi dun sa invitation, "black tie only". pagdating ko dun, may suot din pala silang polo at pantalon. Nakakahiya!!!!!
--> ay.. si tatay.. mashadong masunurin!

dyok #4:
TEACHER: ok class, our lesson for today is science. what is science?
PEDRO: ako maam! ako maam!!
TEACHER: ok sige pedro, what is science?
PEDRO: science is our lesson for today.
--> hmmm... sabi ko din e! nakikinig ka nga!

dyok #5:
may isang kanong naglalakad. nakita ni Juan na bukas and bag ng kano.
JUAN: pedro, sabihin mo dun sa kano na bukas ang bag nya.
PEDRO: hey joe! your bag is tomorrow!
--> ay... kagaling.. literal daw ba?

1 Comments:

  • At May 15, 2006 12:57 AM, Anonymous Anonymous said…

    the best ang dyok # 5 hahaha! :p

    miss ka na namin! balik ka na sa team A! :D

     

Post a Comment

<< Home